As with all programming languages, ang unang-unang kailangan nating malaman ay kung paano utusan yung program natin na magbigay ng output para makita natin.
Sa python, ang ginagamit natin dyan ay ang print() function.
Ano ang mga values na pwedeng nasa loob ng parentheses?
Pwede tayong maglagay ng almost everything para i-output nya - pwedeng string, numbers, variables, mathematical and boolean operations, pinagdugtong-dugtong na strings, or combination of variables - basically lahat ng mga ginagawa natin sa python ay pwede nating i-output at makita using the print() function.
Sa mga susunod na lectures pa natin pag-uusapan yung mga numbers, equations, variables, etc. Sa ngayon, gusto ko lang muna makita mo yung ginagawa ng print() function.
Gusto ko kasing i-print ng python itong salita na to - Haler World!
Yan ay isang string.
Kapag kailangan natin mag-print out ng isang string using the print() function, it must be enclosed in:
Bahala ka kung ano ang gusto mong gamitin kung double quotes or single quotes.
So to print Haler World!
We can do it either:
or
Hindi mo pwedeng gamitin sabay yung double and single quotes katulad nito:
MALI ITO --> print('Haler World!")
Pag ginamit mo ng sabay, mage-error yan.
Okay, so testing na muna natin yung print function. Pakibukas yung IDLE (click windows start icon, then type idle para bumukas yung IDLE command prompt) and let's test the print() function.
NOTE: Sa IDLE, nagta-type tayo ng commands pagkatapos nitong symbols na ito: >>>
Print na natin yung Haler World!
If interested ka na matuto ng Python, merong akong FREE course available!
Nagbibigay din ako ng FREE Certificate of Completion sa dulo ng FREE course na yan na pwede mong ipandagdag sa mga credentials mo.
Next Topic Suggestion:
Category Suggestion