Ang pinaka-simpleng definition ng Cloud Computing is relocating yung mga network infrastructure natin onsite papunta sa isang cloud provider offsite.
Pero meron talagang actual definition yang cloud computing.
For a service to be actually considered a cloud service kailangan nyang ma-fulfill lahat ng mga requirements as stated by the NIST (U.S. National Institute of Standards & Technology) Cloud Computing Program (NCCP) definition of what cloud computing is.
Sabi ng NIST:
"Cloud Computing is a model for enabling ubiquitous, convenient, on-demand network access to a shared pool of configurable computing resources (e.g. networks, servers, storage, applications, and services) that can be rapidly provisioned and released with minimal management effort or
service provider interaction."
-Peter Mell, Tim Grance (2011, September) The NIST
Definition of Cloud Computing , accessed July 14 2020 <https://crc.nist.gov/publications/details/sp/800-145/final>
Pag-usapan natin isa-isa yung mga essential characteristics na yan para mas maintindihan natin yung actual definition ng cloud computing.
Ang mga cloud provider ay nagpo-provide ng isang web portal na ginagamit ng mga cloud end users para ma-access yung catalog ng iba-ibang cloud services na offered nila.
Ang Microsoft Azure (https://azure.microsoft.com/en-us) ang isa sa mga malalaking public cloud
services provider. Based dyan sa image ko sa taas, makikita mo yung web portal na pino-provide nila para sa mga end users.
Ang mga end users ay pwedeng mag-provision ng kahit na anong computing capabilities na
kailangan nya automatically na hindi na nangangailangan ng kahit na anong human interaction galing sa cloud service provider.
Kung anuman yung mga gustong idagdag o ibawas sa existing services na meron yung end users - click click lang dyan sa web portal anytime na kailangan - kaya nga sya on-demand self-service.
Pag sinabing elasticity, yan yung characteristic ng isang rubber band - pag hinatak mo sya maga-adjust sya ng length nya. Pag tinigilan mo yung paghatak - babalik sya sa original length nya. Ibig sabihin, naga-adapt sya sa situation na meron sya.
Sa cloud computing, when we say elasticity - ibig sabihin, yan yung capability ng mga cloud services natin na mag-adapt sa situation na meron sya.
Anong situation?
There are times na kailangan natin ng extra computing power para sa mga cloud services na meron tayo due to an increase in network requirement.
Or, kailangan nating magbawas ng computing power na ginagamit ng mga cloud services natin dahil hindi na ginagamit.
So, yung ability nung mga cloud services na magdagdag or magbawas ng computing power ay tinatawag na elasticity.
Pag sinabi namang rapid elasticity , yan yung agad-agarang paga-adjust ng computing power ng mga cloud services natin.
Ang mga cloud users actually has the power na mag-request ng mga computing resource changes na kayang-kayang ibigay ng cloud provider automatically - kaya sya tinatawag na rapid elasticity.
Pag sinabing pooling , ibig sabihin pagsama-samahin sa isang grupo.
Sa networks, pag sinabing Resource Pooling - ibig sabihin yung mga computing resources katulad ng storage (HDD), processing power ng multiple CPUs, RAM at network bandwidth ay pinagsasama-sama as one big pool (grupo) na pwedeng paghati-hatian ng maraming users.
Kung maalala mo sa virtualization natin - kung isang operating system lang ang nakainstall sa isang physical server, ibig sabihin lahat ng mga resources installed dun sa server na yun ay para lang sa kanya.
Pero kung tayo ay nagvi-virtualization, ibig sabihin meron tayong multiple Virtual Machines na namamahay dun sa physical server. At lahat ng mga computer resources na meron dun sa physical server is pooled and shared sa lahat ng VMs.
Sa isang Cloud Computing provider naman, lahat ng mga available resources nila in multiple servers are grouped into one big Resource Pool na ina-assign dynamically sa iba-ibang cloud users depende sa requirement nila.
Take note na sa resource pooling, walang idea and control yung mga cloud users kung saan galing yung computing resource na provisioned sa cloud service nila.
Sa cloud computing, ina-apply nila yung tinatawag na Operational Expenditure (OPEX) model para singilin yung mga end users - ibig sabihin, binabayaran lang natin kung ano yung ginagamit natin for a specific time period.
Yung expense natin sa mga services ay pwedeng lumaki or lumiit depende sa usage.
Take note na lahat ng mga services na ginagamit natin from a cloud provider is actually metered and measured. For every billing cycle, binibigyan tayo ng mga cloud providers ng detailed information sa mga resource usage.
Ang mga cloud services are required to be available and must be accessible sa iba-ibang client platforms like smartphones, tablets, and different workstations.
Yan yung ibig sabihin nung ubiquitous dun sa definition ng cloud computing - ibig sabihin can be accessed anytime and everywhere in any device and any format.
Next Topic Suggestion:
Category Suggestion
Recent Posts