Cisco Logo

Linux Installation : How to Install Centos7 on Vmware Workstation 15

by Elena Mofar, Published on May 23, 2023

Kung gusto mong matuto ng Linux, syempre kailangan mo ng isang Linux machine na pagpa-practicean.

Nuong unang panahon, kailangan mo pa ng isa pang separate computer para ma-installan mo ng Linux.


Kaya lang, napakagastos na way of learning yan. Kasi syempre, iilan-ilan lang naman sa atin ang yayamanin na may extra computer sa bahay na pwedeng lagyan ng isa pang operating system kagaya ng Linux para pag-practicean.

At kung yayamanin ka naman at meron ka talagang extra computer para dyan - napakatrabaho naman kasi syempre pag nagpa-practice ka ng bagong OS lalo na kung Linux yan, posible na masira natin yung system at maging unbootable sya.

So, ang solution para magamit mo ulit yung computer mo is to reinstall Linux from scratch.

Which is again - napakatrabaho.

Sa panahon ngayon, uso na yung tinatawag na virtualization.

Virtualization is a way to logically multiply yung computers mo. At bawat logical instance or clone ng computer mo is independent of each other. Ibig sabihin, para kang nagkaroon ng maraming computer galing sa iisang computer mo lang.

Actually yan ang ginagamit ng mga cloud providers ngayon like AWS, and Azure. Kung kukuha tayo ng cloud server sa kanila, gagawa lang sila ng isang bagong instance ng isang server para ma-installan mo ng kahit na anong operating system na gusto nyong gamitin sa office. At yung creation ng mga bagong server instances na yan ay naa-accomplish using virtualization.

Isa sa mga main virtualization tool na ginagamit ng mga cloud providers ay Vmware.

Meron ding Vmware na pwede nating gamitin para makapagcreate tayo ng multiple computer instances sa nagiisang computer mo sa bahay para malagyan mo ng Linux operating system mo, at yan yung Vmware Workstation.

Pag naguumpisa ka pa lang mag-aral ng Linux, kailangan mo munang i-determine kung anong klaseng Linux distro ba ang aaralin mo.

Pwedeng Debian or Red Hat.

Parehas lang naman yang dalawang yan kasi parehas naman yan na Linux na based sa Unix.

Kaya lang may mga commands na magkaiba sa Debian at Redhat.

Yung ibang configuration files din ay nasa magkaibang location sa Debian at Redhat.

At may instances na magkaiba din yung pangalan ng mga system files nilang dalawa.

Kaya para hindi ka malito, pili ka muna kung Debian or Redhat. Pag marunong ka na, saka mo tignan yung isa pang distro - marami silang pagkakatulad, pero meron din silang differences.

Sa bawat isang distro ay merong mga tinatawag na flavors.

Yung mga flavors naman na yan ay based dun sa main distro (Debian or Redhat).

For example si Ubuntu - yan ay isang Debian based flavor.

Ibig sabihin, yung source code ng Debian at si Ubuntu ay iisa lang - kinopya lang.

Kumbaga clone ng Debian si Ubuntu. Kung ano ang mga commands na gumagana at file locations sa Debian ay ganun na ganun din sa Ubuntu.

Ang Centos naman ay isang flavor din ng Redhat.

Ibig sabihin, yung source code ng Redhat ay kinopya lang ni Centos.

So, kung gusto mong matuto ng Redhat - pwedeng Centos yung aralin mo: parehas na parehas lang yan sila ni Redhat, magkaiba lang yung wallpaper and logo.. Pero yung operating system mismo parehas na parehas.

Take note that Redhat is not free.

So, para maaral mo yung Redhat ng hindi tayo nagbabayad - Centos ang gamitin mo.

Kung ano man ang commands at file locations ng Redhat, yun na yun din ang meron sa Centos.

Sa video tutorial ko dyan sa taas, tinuturo ko kung paano ba mag-install ng Vmware Workstation Pro para sa loob ng Vmware natin i-install yung Centos.

Yung installer ng Centos 7 is also included dun sa Video Description para hindi ka na mahirapan pang maghanap.


If interested kang matuto ng Linux, meron akong FREE Basic Linux course. Nagbibigay ako ng FREE Certificate of Completion after ng free course para maidagdag mo sa credentials mo.

Pero kung desidido kang matuto talaga ng Linux, meron akong FULL Course para sa Linux: Linux System Administration.

You can check the links to learn more :)

Next Topic Suggestion:

Category Suggestion

Recent Posts

OSI Networking Model
Interpreting Network Diagrams
What is a Computer Network?
Proper Mindset to Study for the CCNA
How to Study for the CCNA Exam Part 2