Isa sa mga main prerequisite skill and credentials ngayon para sa mga gustong pumasok sa isang IT career towards networking ay CCNA.
Yan yung skill and certification na hinahanap palagi ngayon for entry level Networking positions.
Kaya kung gusto mong maging isang Network Engineer, Network Administrator, System Engineer, System Administrator, and any other Network related positions - the VERY FIRST STEP na kailangan mo talagang gawin is to study for CCNA and earn that certification.
Ang objective nitong blog na ito ay i-guide ka kung paano mo makukuha yung CCNA certification na yan, paano ba mag-umpisa, ano-ano ba ang mga kailangan mong i-consider, paano ba yan aralin, and ultimately to take the CCNA Exam.
CCNA means Cisco Certified Network Associate.
Yan yung entry-level certification na provided ni Cisco - meaning, itong certification na ito ay designed for beginners and dun sa mga individuals na nagu-umpisa pa lang na tahakin ang career path bilang isang Network professional.
Sa mga hindi pa nakakaalam kung ano ang Cisco - yan ay isang network device manufacturer. Brand sya ng mga routers, switches, firewalls, voip phones, almost any device and software na kinakailangan natin para mapag-implement ng networking ay provided nila.
Cisco is a global brand - same with Microsoft, Google, Amazon, Palo Alto, etc.
Meron ding mga associate level certifications provided ang Microsoft, Google, Amazon, Palo Alto, etc. for the implementations and administration ng mga devices (for network brands) and cloud servers (for cloud providers) nila.
Almost all IT vendors ay nagbibigay ng mga certification exams - yan kasi ay ginagamit ng mga companies to validate yung knowledge ng mga individuals that they will hire to manage yung mga devices nila.
Pag pasado ka kasi sa exam - nagkakaroon ka na agad ng immediate sign of approval ng mga big brands that you are qualified and knowledgeable to handle their devices and basically to manage yung company network since all network devices are actually standardized, so knowing how to handle one device basically means may foundational knowledge ka na rin to handle other brands as well.
Pag sinabing associate level certification - yan yung entry level certification din nila.
Sa Network Career Ladder kasi - yung associate level is always the first step.
Take note na based dyan sa Cisco Certification Ladder, may mas mababa pa sa associate level certification na offered si Cisco - yung CCT (Cisco Certified Technician).
Although pwede mo ring kunin yan - kaya lang yung industry demand for CCTs are very limited and the certification itself is not popular, kaya madalang lang yung mga kumukuha nyan.
You can immediately jump dun sa Associate level certification (CCNA) since yung mga skills and knowledge na meron dun sa CCT (Cisco Certified Technician) is also covered dun sa CCNA.
And, ang in-demand talaga at laging hinahanap kasi ngayon ay CCNA - so better start there.
Speaking of Associate Level certifications, ito yung mga present associate level certifications na meron ang Cisco:
Ano ang kaibahan ng tatlong yan?
Eto yung pinagu-usapan natin at gusto mong malaman ngayon eh.
Basically, ang pinaka-general coverage ng CCNA ay network fundamentals and implementation ng
mga Cisco Routers and Switches para sa isang small to medium size network.
Yan ang general coverage ng CCNA eversince inintroduce ni Cisco yung CCNA certification exam
nung 1998.
Kaya lang, since ang CCNA certification is a technologically driven exam - maraming mga bagong
networking technology trends na meron ngayon na wala pa nung 1998.
Certified individuals must be updated sa mga bagong networking trends.
Kaya nung mid-2019, nag-announce ng major update ang Cisco para sa CCNA curriculum - dinagdag nila yung ilan sa mga emerging trends ngayon sa networking kagaya ng cloud technologies, Software Defined Networking (SDN), and introduction sa network automation.
Ang bagong CCNA curriculum na may exam code na 200-301 was fully launched nung February 2020.
Before the exam update, may maririnig kang maraming klase ng CCNA.
Marami kasing associate level certifications nuon ang Cisco depende sa expertise na gusto mo:
Kung gusto mong mag-concentrate sa Security, meron silang CCNA-Security.
Kung gusto mong mag-concentrate sa Wireless, meron silang CCNA-Wireless.
Kung gusto mong mag-concentrate sa mga Service Provider technologies, meron silang CCNA-Service Provider.
Meron pa silang CCNA-Cloud, CCNA-Collaboration, at kung ano-ano pang CCNA-something
certifications.
Ang problema kasi, yung CCNA certification is meant for individuals na gustong tumahak ng career
papuntang networking. So ibig sabihin, pang-entry level and beginner yang certification na yan.
Dahil sa napakaraming CCNA certification na binibigay ng Cisco - mas nagiging nakakalito
mag-umpisa. Nagiging hindrance sya sa mga gustong mag-aral ng networking.
So, in February 2020, Cisco made it simpler by removing all CCNA-something certifications, at
iniwan na lang nila yung nag-iisang CCNA.
Wala nang iba pang CCNA exam ngayon bukod sa CCNA na pinagu-usapan natin na CCNA na may exam code na 200-301.
Ano ba yung exam code na yan?
Lahat ng mga certification exams ay may kaukulang exam code to reference a specific exam.
Yung lumang exam code ng CCNA ay 200-125.
Yung bago at updated na exam code ngayon for CCNA is 200-301.
Kaya yan tinatawag din na CCNA 200-301.
Since tinanggal ng Cisco lahat ng mga CCNA-something certifications, ang ginawa nila sa mga topics
na andun ay idinagdag nila sa bagong CCNA curriculum.
Yung ibang topics na nasa CCNA-Wireless kagaya ng introduction to wireless networking, fundamentals ng wireless communication, wireless security, at ang implementation ng mga
tinatawag na Wireless LAN Controll (WLC) and Access Points - ay idinagdag nila sa CCNA 200-301 natin ngayon as a new topic.
Yung mga ibang topics din na nasa CCNA-Security katulad ng introduction sa Network Security, familiarization sa mga network threats, familiarization sa mga Network Security device, and implementation ng Basic security para sa mga routers and switches natin - ay idinagdag din nila
sa CCNA 200-301 ngayon as a new topic.
Ang entirely new topic ngayon na wala pa sa mga previous CCNA - ay yung SDN (Software Defined
Networking), Software Defined Access, and yung introduction sa automation and network programmability - yan yung mga bagong-bagong topic na ngayon pa lang inintroduce sa CCNA.
Dahil yang mga topics na yan are rapidly being adopted by bigger enterprises ngayon - so ibig
sabihin, in the near future, after passing your CCNA at gusto mong mag-level up na-prepare ka na ni Cisco sa mga technologies na mae-encounter mo in more complex networks.
So, anyway, yung CCNA (Cisco Certified Network Associate) certification na pinagu-usapan natin
ngayon ay more concerned in giving you a good all-around networking foundation na magagamit mo sa pag-implement ng network for a small to medium sized network.
Itong certification na ito ay isang entirely new certification na ngayon pa lang inintroduce ng Cisco.
Kagaya ng bagong CCNA 200-301 curriculum, kasama itong Devnet Associate na inintroduce and
na-implement nung February 2020.
Ano naman ang difference nito sa CCNA 200-301 natin?
Basically, itong Devnet exam na ito ay isa mga application ng mga network knowledge na meron
tayo.
Itong certification exam na ito focuses sa marriage ng software and network ngayon using yung mga
APIs, SDKs, Cisco IOS, and network programmability. hehe
So kahit na ito ay isang associate level certification - medyo hindi sya pang-entry level kasi dapat may mga previous knowledge ka na regarding python programming, knowledge sa operating system ng mga Cisco routers and switches.
But take note na ang Devnet ay isa sa mga medyo lucrative na skill and knowledge ngayon.
Ang mga naghahanap na companies ng ganyang skill ay yung mga fortune 500 companies talaga.
So ibig sabihin, kung pag-uusapan yung bankability mo once nasa job market ka na - super dagdag
pogi points ito sa resume.
And people with devnet skills are in the 6 figure salary dito sa pinas.
Maa-apply mo yung CCNA skills mo para dito sa devnet - ONCE tapos ka na sa aral mo sa CCNA :)
Gusto ko lang ibigay sayo yung isa sa mga possibility ng mga paths mo after CCNA.
Isa din itong CyberOps Associate sa mga bagong certifications introduced ng Cisco last February 2020.
Kung mapapansin mo ito ay isang Security related certification.
Ano ang difference nito dun sa tinanggal na CCNA Security certification?
Yung dating CCNA Security certification focuses more on the implementation ng security standards, protocols, and technology based sa mga network security devices katulad ng mga firewalls, ASA (Adaptive Security Appliance), at iba pang mga security devices na offered ng Cisco.
So, ibig sabihin, implementation ng network security sa mga network devices.
Ang bagong CyberOps na track - ay security para sa enterprise traffic natin habang nakikipag-communicate tayo sa external network using Cyberspace or the Internet.
Ngayon yung external network na sinasabi ko na yan can be yung remote offices ninyo - kung saan yung connection natin ay gumagamit ng internet thru VPN.
At pwede ring connection ng network natin papunta sa mga cloud providers natin - also using
the internet.
Or, simply yung mga users ninyo connecting to the internet para makarating sa mga internet servers
like google, facebook, etc.
Since yung internet is a public network, there is a big probability of a security breach that may
compromise yung internal network natin if we're not secured properly.
Ang ibig sabihin ko lang is - yung CyberOps na track focuses on that security.
Pero yun nga, yang CyberOps na yan ay medyo advanced din, and nangangailangan ng network knowledge mo para mas maintindihan mo sya.
Yung CCNA 200-301 na pinagu-usapan natin ngayon will be the best foundation for you if gusto mong i-pursue yang specialization track na yan.
Ang CCNA certification ay ang entry-level certification na provided ng Cisco para sa mga
indiviudals na gustong magkaroon ng career sa networking.
Pag sinabing entry-level, ibig sabihin - kahit wala kang network background, or zero
knowledge ka regarding networking, ang CCNA certification ay para sayo.
Dahil, yung coverage ng CCNA ay nagu-umpisa mula sa pinaka-basic na concept.
Ang pinaka-unang topic nga nyan is What is Networking?
So kahit na ang tanging alam mo lang na networking ay yung mga pawer pawer na kagaya ng frontrow - pwede kang mag-aral ng CCNA.
Next Topic Suggestion:
Categories
Mnet CCNA Taglish Books
Python Fundamentals Book