Bago natin pagusapan kung paano mag-aral towards your CCNA Certification, kailangan muna nating pagusapan kung ano ba ang meron sa CCNA curriculum, ano ba yung ie-expect mo na ma-encounter once umpisahan mo na yung CCNA studies mo.
Dito covered ang mga Network Fundamentals, Definition ng mga Networking concepts, Paano sya gumagana, standards, protocols – mostly lectures na ang objective ay i-develop ang Critical Thinking and Troubleshooting Skill mo.
Kung gusto mong maging magaling na Network Engineer – kailangan strong ka sa Theoretical
Part.
Kumbaga sa kotse, alam mo kung ano yung “Under the Hood”.
Eto ang nagdi-differentiate sa Cook at sa Chef, sa isang Network Technician sa isang Network Engineer.
Eto na yung application ng mga natutunan mo sa Theoretical Part.
Sa theoretical part, pinag-uusapan yung kung paano sya gumagana, ano ang mga requirements, ano standards. Pag nasa Configuration na, makikita mo na kung paano i-configure at paganahin yung mga standards and protocols na yan.
Kung paano mo “pagkita-kitain” yung mga Computers.
Kung paano mo i-interconnect yung mga Network Devices malayo man o malapit.
Eto na yung excited ang mga tao – yung Configuration Part.
The point of using dummy text for your paragraph is that it has a more-or-less normal distribution of letters. making it look like readable English.
Paano mo aaralin yung Theoretical Part ng curriculum? Syempre basa ka ng Books.
Ano-ano ba ang mga books available?
Eto yung mga libro na gawa mismo ng Cisco specifically para sa mga mga Certifications offered nila.
Ang mga Cisco Press books for CCNA, mostly ang author nyan si Wendell Odom – favorite na author ko yan, magaling ang discussions and detailed.
Pwede kang bumili ng Cisco Press CCNA books from Amazon - click here
When buying books from Amazon, pwede mong ipa-deliver yan directly sa bahay mo even if you're living in the Philippines. Madalang kasi tayo makakakita ng mga Cisco Press na books sa mga bookstores dito sa Pinas. Ang maganda pa dyan, most books from Amazon ay merong free shipping papunta dito sa Pinas.
Meron ding released na mas detailed books ang Cisco Press – yung CCNA exploration series.
Remember meron tayong 4 Modules sa CCNA curriculum? Bawat isang module, meron syang CCNA
exploration na book.
Maganda rin itong CCNA exploration kasi mas in-depth sya kaysa dun sa mga Certification Guides. Yung mga Certification Guides kasi, more on preparation na for the exam. Kung ok sa yo magbasa ng mas mahaba, ito yung recommended ko.
Kung gusto mo namang bumili nitong CCNA Exploration books, pwede ka rin umorder sa amazon - click here
Meron ding released na books ang Sybex for CCNA.
Yung mga CCNA Routing and Switching books nila are all from Todd Lammle.
Ganun din, itong book na to is mainly for preparation na for the exam. Hindi sya ganun ka-detailed yung discussion unlike sa CCNA Exploration Books.
Maraming preferred si Todd Lammle, pero I like Wendell Odom better.
Kung gusto mong bumili nitong CCNA Sybex book, you can order from amazon here
Kung sumasakit naman yung ulo mo pag nagbabasa ka ng mga technical books - sumulat ako ng libro para sayo :)
Yung CCNA Certification Guide book ko also covers all topics in the CCNA 200-301 exam curriculum.
All topics are explained in detail and in simple layman's term kaya kahit na naguumpisa ka pa lang at wala kang network background siguradong mage-gets mo lahat ng mga complex network technologies na nasa CCNA curriculum.
At kahit na may network background ka na or presently working sa isang network environment at nagaaral ka ng CCNA as a job requirement - I'm sure na marami ka ring matututunan na pwede mong gamitin sa trabaho.
And the best thing is - nakasulat in Taglish yung libro!
Kung interested ka, you can click here for more details
Ang RFCs or Request for Comment, though these are not technically books, but lahat ng concepts na makikita mo sa lahat ng Networking books galing sa kanila.
Ang RFCs ay created ng IETF (Internet Engineering Task Force) ( https://www.ietf.org/standards/rfcs/ )
Ang IETF ang taga-gawa ng mga Networking Standard na meron tayo ngayon, at yang mga
Networking Standards na yan ang sinusunod na lahat ng mga Network Device vendors including Cisco.
So, bawat isang Standard and Protocol ay merong sarili nilang RFC.
Imagine mo na lang na ang RFC ay isang Republic Act, or Presidential Decree – isang batas.
So, for example, OSPF – ang RFC for OSPF is RFC 2328 ( https://tools.ietf.org/html/rfc2328 ) .
Everything about OSPF, how it should work, paano yung encapsulations, para saan ba yan etc. are
defined inside the RFC.
All networking vendors must comply with the standards na binibigay ng RFC.
Same with TCP/IP, ang RFC for TCP/IP is RFC 793 ( https://tools.ietf.org/html/rfc793). (though may iba pang RFC for TCP/IP, ang RFC 793 ay isa sa mga RFCs nya)
Lahat ng standards about TCP/IP are defined in that RFC, paano sya dapat gumana, paano yung
encapsulations, etc.
So, kung gusto mo na talagang i-career yung Networking, try to read RFCs – it’s free,
and genius na genius ka after 😉
Ang Configuration , yan yung paglalagay mo ng mga different commands sa Cisco Routers and Switches para mapagana mo kung ano mang networking function na gusto mong pagawa sa kanya – routing, VLANs, VTP, etc.
After configuration kailangan mong mag-Verify.
Syempre tignan mo kung gumana ba yung nilagay mo.
Dapat pag tumingin ka, naiintindihan mo kung ano naman yung nakikita mo.
Sa totoo lang napakadaling mag-configure. Yung intindihin mo yung nakikita mo sa Verification Outputs – to make sense sa lahat ng nakasulat jan is what separates a Network Engineer from a Network Technician.
Ang magaling na Network Engineer, actually knows what to look for.
After configuration, expected na nya kung ano ang dapat nyang makita. Alam na nya dapat kung ano ang nangyari, at kung umaakto ng tama yung mga network devices nya based dun sa configs na nilagay.
Knowing WHY is more important than knowing HOW
Hindi sa lahat ng pagkakataon, nami-meet yung expectations mo regarding configurations sa network mo.
Ang mga computers and network devices, may sariling pagu-utak yan (dahil sa protocols installed
sa kanila) , ngayon, kailangan naiintindihan mo yung behavior nila and yung logical instructions installed sa kanila para ma-control mo and mapagana mo sila ng tama based sa gusto mo.
Kasi hindi sa lahat ng pagkakataon, aakto sila based sa expectations mo.
So, kailangan mong mag-Troubleshoot.
Isa ito sa mga pinaka-kailangan mong skill na matutunan kung gusto mong maging isang Network Engineer. Kasi most of the time, yung network na hahawakan mo ay naka-setup na, naka-implement
na.
Gumagana kanina, nag-lunch break ka lang - pagbalik mo nagka-leche-leche na.
Gumagana kanina, umuwi ka lang – biglang magkakaroon ng problema.
Sa paga-aral mo ng CCNA mo, makakakita ka ng mga configuration samples na gagayahin mo lang naman, kasi ita-type mo lang yun eh.
Kaya lang after configuration, hindi gumagana – walang connection. Walang Ping.
You need to troubleshoot.
Titingin ka sa mga Verification command outputs kung saan ka nagkamali.
Pero paano mo malalaman kung ano ang mali kung in the first place hindi mo alam kung ano ang tama?
Paano ka makakapag-troubleshoot kung in the first place hindi mo naman alam kung ano yung hinahanap mo?
So balik na naman ulit tayo dun sa first concept ko na knowing why.
Kung alam mo kung paano dapat naga-act up yung mga network devices mo, it would be easier for you to troubleshoot.
Kung alam mo kung ano ang nangyayari based dun sa configs mo, madaling ayusin yung network problem mo.
Kung gusto mong maging full-fledged CCNA papunta sa isang magaling na Network Engineer, kailangan strong ka dyan sa tatlo – Configuration, Verification, and Troubleshooting.
Hindi lang sa Configuration.
Kung gusto mong matutong mag-configure ng Real Cisco Routers and Switches, meron kang 2 OPTIONS:
Option 1 - Enroll ka sa mga Training Center na merong Real Devices
Option 2 - Magbuo ka ng Sarili mong Cisco Home Lab
Maraming mga available training centers ngayon na nagpo-provide ng Real Cisco Routers and Switches para ma-familiarize ka.
Iba-ibang training centers, iba-iba yung number of routers and switches na ipapagamit nila sayo.
May mga training centers na 1 router and 1 switch per student.
May mga training centers na 2 routers and 2 switches per 2 student (share kayo).
And may mga training centers na 2 routers and 2 switches ang provided per student – Actually, ito na yung pinakamaraming routers and switches na provided per student na nakita ko.
Ang Tuition Fee range para sa mga Training Centers ngayon ay nasa 15k – 25k even more.
Kaya lang, in terms of pagiging hokage mo sa configuration, limited lang ang time mo para kalikutin, ma-configure at pag-aralan yang mga Cisco Devices na yan.
Kasi, ang normal training days ng mga Training Centers/Bootcamps ngayon ay 5 days lang 9am – 5pm.
Meron ka lang 8 hours (Ibawas mo pa yung lunch break, and snack break) na makakapiling yang mga Routers and Switches na yan.
So, ang main purpose lang talaga ng mga Real Devices sa mga Training Centers/Bootcamps ngayon is for familiarization sa mga Routers and Switches – hindi para maging lodi ka sa configurations.
Kung meron ka namang budget, at desidido kang maging hokage sa configs at ang gusto mo talaga ay ma-experience ang setup ng Real Devices, ang best way talaga para maging proficient ka sa configurations ay magbuo ka ng sarili mong Cisco Lab sa Bahay.
Meron din akong sarili kong Cisco Lab sa bahay, tignan mo to:
Bakit mas magandang may sarili ka? (Bukod sa astig tignan 😉 )
Kasi dito, magsasawa ka mag-configure.
Ang maganda pa nyan, dahil may sarili ka, pwede kang mag-simulate ng mumunti mong network sa bahay. Connect mo yung Cisco Router mo sa internet, configure ka ng DHCP gamit yung Cisco Router mo, connect mo yung mga computers ninyo sa bahay, at kung ano-ano pa.
Kaya mo ring pag-aralan yung ibang skill na hindi mo magagawa sa mga Routers and Switches nila sa bootcamp, kagaya ng Pag-upgrade ng Cisco IOS, pag-backup ng Configs, pag-create ng TFTP server na iko-connect sa router mo, pag-restore ng mga routers and switches, at kung
ano-ano pa.
Meron akong ginagawang Tutorial kung paano
magbuo ng sarili mong lab sa bahay - https://youtu.be/yOC1deFa4ok
Dyan dini-discuss ko kung ano-anong mga klaseng routers and switches ang kailangan mo para sa Beginner setup, paano i-connect, at kung saan bibili.
Aabutin ka lang ng 15k para sa 2 routers and 2 switch setup, baka mas mura pa, depende kung gaano ka kagaling tumawad 😉
Ang kagandahan pa nyan, pagkatapos mong gamitin at pag-aralan, pwede mo ulit ibenta ng parehas na halaga kung magkano ang bili mo.
Natuto ka na, bumalik pa budget mo – unlike bootcamps.
Pero sa totoo lang, kung ako ang tatanungin mo, ang pinakamaganda talagang way para makapag-practice at magpaka-henyo-henyo ka sa configuration ay gumamit ka ng Network Simulators.
Ano naman yun?
Ang mga network simulators ay mga Computer application na iinstall mo sa desktop/laptop mo sa bahay para makapag-simulate ka ng Complex network na maraming Cisco Routers and Switches sa bahay
Kung ano ang pwede mong i-configure sa Real devices, ganun din ang pwede mong iconfigure sa mga network simulators – parehas na parehas lang.
May sariling Network Simulator na gawa ng Cisco mismo – ang Cisco Packet Tracer:
Yan ang pinapagamit ng Cisco sa mga Cisco Accredited Training Centers nila para sa configuration part ng CCNA.
Yan din ang ginagamit ng Cisco sa simulation type of questions at mga Simlet sa CCNA exam.
Yan din ang ginagamit ng ibang Training Center/Bootcamps sa Configuration Part ng training nila (Diba nga sabi ko sayo, familiarization lang yung mga Real devices na meron sila)
Ang Cisco Packet Tracer ay ginawa ng Cisco para sa mga CCNA Training Centers nila, kaya mostly, yung mga commands na gumagana dyan ay yung mga commands na kailangan mong aralin para sa
CCNA certification mo.
Once makapasa ka sa CCNA, at gusto mong mag-levelup at kumuha ng CCNP (Cisco Certified Network Professional) na certification, yung mga commands na pang-CCNP level ay hindi na gumagana sa Packet Tracer.
Bakit?
Ginawa ng Cisco yung Packet Tracer para hindi mabigat sa resources sa computer mo.
So kahit na 1.4Ghz lang yung PC mo kakayanin nyang paandarin at makapag-configure ka pa rin ng Complex topology. (Actually, pwede ka ring mag-install ng Packet Tracer sa Android and IOS – ganun sya kagaan)
Eh paano na yun? Eh gusto mong tuloy-tuloyin yung Cisco Career mo hanggang CCNP?
Kung gusto mo na lahat ng features and lahat ng pwedeng i-configure sa mga Real devices ay ma-configure mo rin sa bahay, ang gagamitin mong simulator ay GNS3.
Ang GNS3 ay isang network simulator na nilalagyan mo ng Real Cisco IOS.
Ang Cisco IOS ay ang operating system na nagpapaandar sa mga Cisco Routers and Switches.
Yung mismong mga IOS na yun, since yun ang nakalagay sa PC mo, kung ano ang pwede mong gawin sa totoong routers, yun din yung pwede mong gawin sa GNS3.
Pero, since totoong IOS yung gagamitin mo, medyo mabigat sya sa resources ng computer mo.
Ang minimum system requirement para sa GNS3 ay at least 2GHz CPU Dual Core at 2GB ng RAM.
So, kung yan ang specs ng PC mo sa bahay, pwedeng-pwede kang mag-GNS3.
Ang GNS3 ang ginagamit ng halos lahat ng mga Training Centers/Bootcamps ngayon.
GNS3 din ang ginagamit ng mga batikan na sa Cisco Certifications
hanggang sa CCIE studies nila. (Ang CCIE ang pinakamataas na certification na
meron ang Cisco, iilan lang ang merong ganyang cert)
Kasi nga for familiarization lang talaga yung mga real devices na meron sila. Yung actual configurations nila talaga are done using GNS3 (or Packet Tracer pag chipipay yung mga PC na meron sila).
Meron akong ginawang tutorial video para ituro sayo kung paano mag-install ng GNS3 at Packet Tracer:
GNS3 Installation - https://youtu.be/n-_Z-FJl2H0
Packet Tracer Installation - https://youtu.be/C3FnK8jtXG8
Hindi mo na kailangang gumastos ng malaki para lang mahasa ka sa Configuration ng mga Cisco Routers and Switches, kailangan mo lang malaman kung ano ba talaga ang ginagamit ng mga experts sa pag-aaral nila 😉
Ok. Medyo mahaba na ito, pagpatuloy natin yung usapan dito sa next blog post 👇
Continue here 👉 How to study for the CCNA Exam Part 2
Next Topic Suggestion:
Category Suggestion